11 na estudyante mula Cebu, dumagdag sa bilang ng positibo sa Covid-19

Cotabato City (May 26, 2020)—Nakapagtala ang Ministry of Health ng Bangsamoro Autonomous Region (MOH-BARMM) ng labing isang (11) bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (Covid-19) sa rehiyon nitong ika-26 ng Mayo. Ayon kay Health Minister Dr. Safrullah Dipatuan, ang mga bagong kaso ay kabilang sa labing-anim (16) na mga estudyante mula sa lungsod ng Cebu…

 31,680 total views,  136 views today

BARMM, militar, at pulis, magsasagawa ng ‘parallel investigation’ kaugnay sa nangyaring mortar shelling sa Maguindanao

Cotabato City (May 26, 2020) – Magsasagawa ng magkahiwalay na imbestigasyon ang Bangsamoro Government, sa pangunguna ng Ministry of Interior and Local Government (MILG), ang 6th Infantry Division (6ID) ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP – WestMinCom), at ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa naganap na ‘mortar shelling’ sa probinsiya…

 19,244 total views,  36 views today

CRMC aprobado bilang kaunaunahang Covid-19 testing lab sa BARMM

Cotabato City (May 21, 2020) – Inanunsyo ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) nitong ika-20 ng Mayo, ang pagkatanggap nito ng ‘license to operate’ bilang kauna-unahang testing laboratory for Coronavirus disease (Covid-19) sa loob ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ito ay matapos opisyal na binigyang pagkilala ng Department of Health (DOH)…

 21,947 total views,  38 views today

BARMM, naglabas ng bagong guidelines para sa Covid-19 management; Eid prayer, sa bahay isasagawa

Cotabato City (Mayo 20, 2020)—Naglabas ng bagong alituntunin o guidelines ang Bangsamoro Inter-Agency Task Force (IATF) on Coronavirus Disease (Covid-19) para sa rehiyon noong Martes, ika-19 ng Mayo sa Cotabato City. Kabilang sa mga nakapaloob sa bagong guidelines ang pagbibigay ng pahintulot sa pagsasagawa ng ‘small gatherings’ o ang maliit na pagtitipon, ngunit hindi dapat…

 17,364 total views,  23 views today

BARMM, nagtalaga ng bagong hanay ng mga midwives

Cotabato City (Mayo 20, 2020)—Pitumpu’t tatlong (73) midwives mula sa probinsiya ng Maguindanao ang opisyal na nanumpa sa tungkulin nitong martes, ika-19 ng Mayo sa Minisitry of Health (MOH-BARMM) training center, sa Cotabato City. Pinangunahan ni Health Minister Dr. Safrullah Dipatuan ang oath-taking ceremony ng mga bagong talagang midwifery personnel, kabilang ang sampung (10) iba…

 9,732 total views,  2 views today