BARMM inaasahang lalampasan ang P2.5B 2023 investment target sa 2nd Quarter ng taon
COTABATO CITY—Patuloy ang pagpasok ng investmentments sa BARMM kung saan kamakailan lamang ay inanunsyo ng Bangsamoro Board of Investments (BBOI) sa ginanap na board meeting na may naitalang apat na panibagong investments na pumapalo sa halagang Php1,168,834,000.00. Iniugnay ni BBOI Chairperson Mohamad Pasigan ang mas mataas na investment approvals sa pamumuno ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim at ang kanyang adbokasiyang ‘moral governance’ na nakapag-engganyo ng mga lokal at dayuhang investors. Kasama sa mga naaprubahang investment ang Power-Up Ventures, isang korporasyong 100% na pagmamay-ari ng isang Pilipino na naglagak ng Php551,,050,000.00 investment sa distribusyon ng produktong petrolyo sa Polloc Port, Parang, Maguindanao Del Norte. Kabilang din dito ang Asia Academic Integrated School na pagmamay-ari ng 60% Filipino, 20% Yemeni, at…