Mga residente ng Barira, Parang nakinabang sa medical outreach program ng Project TABANG
COTABATO CITY—Nasa kabuuang 811 katao ang tumanggap ng tulong medical mula sa medical outreach program ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan’s (TABANG), 431 dito mula sa Barira noong ika-29 ng Pebrero at 380 mula sa Parang, Maguindanao del Norte noong ika-2 ng Marso. Layunin ng outreach program na makahandog ng libreng konsultasyon, check-up, laboratory…