[email protected] | SKCC, Bangsamoro Government Center, Gov. Gutierrez Avenue, Cotabato City, Philippines, 9600

Housing arm ng BARMM magpapatayo ng mas maraming bahay sa Lanao

LUMBAYANAGUE, Lanao del Sur —Nagsagawa ng isang groundbreaking ceremony ang Ministry of Human Settlements and Development (MHSD) noong ika-7 ng Mayo upang masimulan ang pagpapatayo ng 50-unit housing resettlement project sa bayan. Binigyang-diin ni MHSD Minister Hamid Aminoddin Barra na ang proyektong pabahay ng ministry ay para sa mga komunidad na lubhang naapektuhan ang mga…

45 kooperatiba ng mga magsasaka tumanggap ng agri machinery mula sa BARMM

SULTAN KUDARAT, Maguindanao del Norte—Nasa 45 kooperatiba ng mga magsasaka sa Special Geographic Area (SGA), Maguindanao del Sur at Norte ang nakatanggap ng rice thresher mula sa Bangsamoro Government sa isang seremonyang isinagawa noong ika-9 ng Mayo sa Simuay ng nasabing bayan. Ang naturang distribusyon ay kabilang sa suportang pangkabuhayang tinawag na Oplan Bangsamoro Rapid…

Bagong multi-purpose training center sa Sulu makatutulong sa pag-unlad ng komunidad ng Tausug

LUGUS, Sulu —Kamakailan lamng ay pinasinayaan ng Bangsamoro Government ang isang one-storey multi-purpose training center para sa mga mamamayang Tausug sa Barangay Tingkangan, island municipality ng Lugus bilang hakbang sa pagpapalakas ng isang komunidad. Pinangunahan ng Ministry of Human Settlements and Development (MHSD) ang aktibidad noong ika-5 ng Mayo, na dinaluhan din ni Deputy Minister…

Mahigit 500 mamamayan ng SGA nakatanggap ng libreng tulong medical mula sa BARMM

SPECIAL GEOGRAPHIC AREA—Nasa kabuuang 518 mamamayan dito ang nakatanggap ng libreng tulong medikal mula sa Bangsamoro Government sa pamamagitan ng isang medical outreach ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan (TABANG) noong ika-2 ng Mayo 2024 sa Rajahmuda, Ligawasan Municipality. Ang medical mission ay kabilang sa health ancillary support ng naturang proyekto bilang isa sa…