BONGAO, Tawi-Tawi – Nag-organisa ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa bayang ito ng anim na araw na payout para sa social pension program nito noong ika-15 hanggang ika-20 ng Hulyo para sa nakatakdang distribusyon para sa unang semester ng 2024.
Kasunod ng pagtaas ng halaga ng social pension mula P500 na ngayon ay P1000 na kada buwan, bawat senior citizen ay tumanggap ng P6,000.
Nasa 2,200 benepisyaryo sa Bongao, Municipality ang inaasahang makatatanggap ng kanilang social pension para sa unang semester ng 2024. Noong ika-22 ng Hulyo, patuloy pa rin ang payout sa munisipalidad upang ma-accommodate ang mga benepisyaryong mula sa malalayong barangay na hindi nakadalo sa mga nakatakdang petsa. Bukod pa rito, ang mga second-person claimants ay naproseso para sa mga first-degree na kamag-anak na nagbigay ng mga kinakailangang dokumento.
Sa dedikasyon ng Bangsamoro Government na maabot ang grassroots level, binisita ng MSSD social workers ang ilang bedridden pensioners na hindi kayang kunin ang kanilang pension. Ito ay upang masiguro na ang pondo ay diretsong maibigay sakanilang tahanan at upang maassess ang kundisyon ng kanilang pamumuhay.
Kaparehong aktibidad din ang isinagawa ng mga opisina ng MSSD sa buong Tawi-Tawi, kabilang dito ang payout na isinagawa sa bayan ng Sibutu kung saan 1,271 seniors mula sa 16 barangay ang nakatanggap ng kanilang pension noong ika-3 hanggang ika-4 ng Hulyo. Samantala, 1,205 seniors sa Simunul ang nakatanggap ang kanilang pensyon sa unang semester noong ika-30 ng Hunyo.
Ang mga pensiyonado na nakaligtaan ang kanilang mga nakaiskedyul na payout dahil sa mga personal na dahilan ay maaari pa ring i-claim ang kanilang mga pensiyon sa MSSD provincial office hanggang sa katapusan ng fiscal year 2024.
Sa pagpapatuloy ng paghahatid ng serbisyo nito sa Tawi-Tawi, ang MSSD ay kasulukuyang nag-iiskedyul ng payout para sa iba’t ibang programa anito sa iba pang island municipality. (Laila Aripin, Bai Omairah Yusop/BIO)