COTABATO CITY—Isang Bangsamoro ang proud na itinaas ang bandila ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao matapos na masungkit ang gintong medalya sa katatapos lang na 32nd South East Asian (SEA) Games sa Phnom Penh, Cambodia.
Nagpaabot ng pagbati ang Bangsamoro Sports Commission (BSC) para kay Fatima Juwak Amirul, na miyembro ng Philippine Women’s Soft Tennis Team at tubong lalawigan ng Tawi-Tawi.
Kinilala ng BSC si Amirul para sa kanyang pagsisikap, determinasyon, at tiyaga na ngayon ay nagbunga dahil na rin sa kanyang pambihirang kakayahan bilang atleta at sa pagpapamalas ng teamwork, sportsmanship, at pagiging makabayan.
Ang tagumpay ni Amirul ay patunay lamang ng ipinapakitang dedikasyon ng Pilipinas sa pagpapahalaga sa kahusayan sa pampalakasan, pagsasaad ng BSC matapos siyang bigyang-pugay para sa kanyang naging ambag sa larangan ng soft tennis.
“Your hard work, dedication, and perseverance have paid off, and we are all incredibly proud of you! Your victory is not only a testament to your exceptional athletic abilities but also to your spirit of teamwork, sportsmanship, and national pride,” pahayag ng BSC sa kanilang Facebook post.
Ang panalo ni Amirul ay isang milestone para sa Pilipinas sa SEA Games kung saan may higit 12,000 na kalahok mula sa 11 bansa na nakikipagpaligsahan sa mahigit 36 disiplina ng isports.
Ito ang unang beses na naging host ang Cambodia sa 32nd SEA Games para sa nasabing kompetisyon na naipagpaliban sa taong ito bunsod sa restriksyon ng COVID-19 pandemic.
Pinagmumulan ng dangal at pagmamalaki para sa mga Bangsamoro at ng buong bansa ang wagi ni Amirul, na nagbibigay inspirasyon din ngayon sa mga atleta ng susunod na henerasyon na magsikap para sa kahusayan at magdala ng karangalan sa bansa.
Naglahad din ang BSC ng pasasalamat kay Amirul at sa lahat ng mga atletang Pilipino na lumahok sa sa 32nd SEA Games, at umaasa na ang kanilang panalo ay magsisilbing inspirasyon upang magkaroon ng mas malaking suporta at investment sa industriya ng isports dito sa bansa.
“You have brought honor and glory to our country, and we are grateful for your contributions to the sport of soft tennis […] keep up the fantastic work, and may the future endeavors be just as successful and fulfilling,” dagdag ng BSC.
Nagpasalamat naman si Amirul sa kanyang Facebook account at binanggit na sa wakas ay nakapagbigay na rin ng isang gintong medalya at makasaysayang tagumpay ang ilang buwang paghahanda nila para sa SEA Games
“After months of preparing for SEA games, we reached our goal of getting the gold medal and making history. It feels surreal, a dream come true. I’m still on cloud nine. This is an unforgettable experience and a significant milestone in my life,” sinabi ni Amirul.
“I would like to thank everyone for their endless support. It all means a lot to me, reading your comments and messages encouraged me to keep going when I felt down,” dagdag niya. (Kasan Usop, Jr., Bai Omairah Yusop/na may ulat mula sa BSC)