GENERAL SANTOS CITY— Muling sinuri ng Center for Research and Policy Development Division ng Development Academy of the Bangsamoro sa dalawang-araw na policy study rollout nong Disyembre 3-4, ang Temporary Appointment System o TAS na nakabalangkas sa Article 305 ng Bangsamoro Civil Service Code.
Layunin nitong i-assess ang pagiging epektibo at epekto ng mga probisyon ng TAS particular na sa pagbibigay ng temporary first-level positions sa mga Mujahideen at Mujahidat o mas kilala sa tawag na former combatant, magbibigay din ito ng mga pananaw at rekomendasyon upang mas mapabuti ang sistema at matugunan ang pangangailangan nito.
Nakasaad sa nasabing article, hanggang 30% ng entry -level na mga posisyon ng Plantilla sa Bangsamoro Government ay inilaan para sa mga former combatant kahit sila ay walang civil service eligibility— ang mga posisyon ay may salary grade 9 o mas mababa.
Binigyang-diin ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim na kinakailangang inklusibo at pantay na pag-access sa mga de-kalidad na serbisyo ang maibigay para sa social justices at human capital development.
“Ang activity na ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng Bangsamoro sa paglinang ng isang epektibong manggagawa habang tinitiyak ang social justices at human capital development,” Ayon kay Ebrahim.
“Isa sa asset ng ating pag-gogobyerno ay ang ating constituents at sa pamamagitan ng pag-invest natin sa human resources kaakibat nito ay tayo’y nag-iinvest sa kinabukasan ng Bangsamoro,” Dagdag ni Chief Minister.
Hinikayat naman ni DAB Officer-In-Charge Executive Director Abdul Khyr Macasayon ang mga partisipante na magbigay ng mga insights sa napakahalagang pagpapatupad at mga inklusibong mga polisiya na naaayon sa adhikain ng Bangsamoro people.
Aniya, “Ang article 305 ay isang gabay sa civil service recruitment, appointment, at sa mga promosyon sa ating rehiyon.”
“Malinaw ang amin layunin: upang mapahusay ang pag-unawa, magkaroon ng kabuluhang mga talakayan, magbigay ng mga suhestiyon na magpapabuti sa epektibong pag-implementa ng article 305,” dadag pa ni Macasayon.
Binigyang-diin pa ni Macasayon, ang paglulunsad ay nagpapakita ng mga key findings, rekomendasyon, at mga hakbanging mula sa nakuhang mga datos upang matugunan ang adhikain ng mga Mujahideen at Mujahidaat.
Ang mga key findings ng TAS ay nagpapahiwatig na epektibo sa pagtugon ng mga pangangailangan ng short-term staffing, pag-improve sa komunikasyon, career development para sa mga temporary staff, at transparency sa selection process.
Ang mga nasabing findings ay magbibigay ng pagkakataon upang mas suriin ang TAS, i-optimizang mga inistisyaba sa mga trainings, palakasin ang organizational practices upang matugunan ang short-term at long term needs.
Samakatuwid, Sa ipinresenta ni DAB-CRPD Division Chief Faoirodz Taalim na resulta, lumabas sa study na sa 467 na Plantilla Positions na napuna sa Bangsamoro Government ay 77 lamang ang Mujahideen at Mujahidaat o may katumbas na 16.49% kumpara sa 30% na nasabi sa Article 305.
Kabilang din sa lumabas sa study na ang Ministry of Finance, and Budget and Management o MFBM ay may pinakamaraming na-hire na TAS position, kasunod na Ministry of Indigenous Peoples Affairs, sinundan ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform, ang Ministry of Health, at ang Ministry of Human Settlement and Development.
Samantala, ang roll-out study ay dinaluhan ng piling Mujahideen at Mujahidaat na kasalukuyan nagtra-trabaho sa BARMM. Habang ang dalawang araw na training ay pinangunahan ni Engr. Windel Diangcalan na Director III ng Technical Management Services.
Sa mga kwalipikadong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front ay maaari kayong mag-apply sa posisyon sa ilalim ng TAS. (Kasan Usop, Jr., Myrna Tepadan/BIO)