COTABATO CITY—Patuloy ang pagpasok ng investmentments sa BARMM kung saan kamakailan lamang ay inanunsyo ng Bangsamoro Board of Investments (BBOI) sa ginanap na board meeting na may naitalang apat na panibagong investments na pumapalo sa halagang Php1,168,834,000.00.
Iniugnay ni BBOI Chairperson Mohamad Pasigan ang mas mataas na investment approvals sa pamumuno ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim at ang kanyang adbokasiyang ‘moral governance’ na nakapag-engganyo ng mga lokal at dayuhang investors.
Kasama sa mga naaprubahang investment ang Power-Up Ventures, isang korporasyong 100% na pagmamay-ari ng isang Pilipino na naglagak ng Php551,,050,000.00 investment sa distribusyon ng produktong petrolyo sa Polloc Port, Parang, Maguindanao Del Norte.
Kabilang din dito ang Asia Academic Integrated School na pagmamay-ari ng 60% Filipino, 20% Yemeni, at 20% Egyptian, na naglaan ng Php449,730,000.00 investment para sa mga pasilidad at serbisyong pang-edukasyon sa Purveyor’s Village, Rosary Heights XI, Cotabato City.
Dagdag pa rin dito ang ang Cotabato West Bay Eco-Park, isang 100% na Filipino investor, na naglagak ng Php130,054,000.00 para sa mga pasilidad kaugnay sa turismo at pasyalan sa sa SitioTimako, Kalanganan II, Cotabato City.
Ang Afrazan Shipping Corporation, isang kumpayang 100% na pagmamay-ari rin ng isa ring Filipino, ay naglaan ng Php78,000,000.00 investment para sa cargo shipping sa Tawi-Tawi, Basilan, at Maguindanao.
Sa loob lamang ng unang limang buwan ng 2023, nakapag-apruba na ang BBOI ng siyam na bagong proyekto nanagkakahalagang Php1.77B investments, na nilagpasan na ang total investments noong nakaraang taon.
Kumpiyansa si BBOI Chairperson Pasigan na sa dalawang paparating pang investments sa 2nd quarter ng taon ay malalagpasan na ang ₱2.5B target investment sa 2023.
Inaasahang makapagbibigay ng 259 job opportunities ang mga nasabing proyekto, na tanda lamang ng mga positibong resultang pagtaas ng investment sa rehiyon.
Binigyang-diin ni Chairperson Pasigan ang dedikasyon ng BBOI na tuluy-tuloy na makapang-engganyo ng mga local at international investors upang mas mapalakas ang ekonomiya ngrehiyon ng Bangsamoro.
“Regional BBOI will continue to look and invite our potential investors both local, national, and even international in the Bangsamoro region with our aims to boost our economy,” pahayag niya.
Idiniin ni Power-Up Ventures General Manager Antonio Santos, Jr. ang kahalagahan ng natatamasang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon, patunay lamang nito ang pagiging operational ng oil depot sa lugar.
Ipinaliwanag din ni Mohamed Ablla Ali Abouzeid, Project Engineer ng Asia Academic Integrated School at isang Egyptian national, na ang kanilang desisyon na mag-invest sa edukasyon dito sa lungsod ng Cotabato ay buhat sa isinagawa nilang personal assessment sa kaayusan ng lugar at posibilidad ngpaglago ng mga ilalagak na investment.
Dinaluhan din ni MTIT Minister Abuamri Taddik, MFBM Minister Atty. Ubaida Pacasem, Representative of MAFAR Minister Mohammad Yacob, and BBOI Board of Governor Datu Habib Ambolodto ang nasabing board meeting. (Kasan Usop, Jr., Bai Omairah Yusop/na may ulat mula sa BBOI)