NEW YORK—Inimbitahan ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na lumahok sa selebrasyon ng 125th Philippine Independence Day na inorganisa ng Philippine Independence Day Council Inc. (PIDCI) sa New York City, USA.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasali ang BARMM sa prestihiyosong aktibidad, upang maipakita ang masiglang kultura at mahahalagang kontribusyon sa Filipino community.
Ang taunang pagdiriwang na ngayo’y nasa ika-33 taon na, ay sinimulan noong ika-4 ng Hunyo sa pamamagitan ng isang taimtim na flag-raising ceremony na ginanap sa Philippine Consulate sa New York. Ang makahulugang kaganapan ding ito ay bilang pagkilala sa mga sakripisyo ng mga bayaning Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan.
Matapos ang seremonya ay nagkaroon ng isang grand parade kung saan tampok ang mga matitingkad na display ng iba’t ibang probinsya, lungsod, rehiyon, at Filipino organizations mula sa iba’t-ibang panig ng Estados Unidos. Nagsimula sa 38th Madison Avenue hanggang 27th ang parada na bumihag naman sa maraming manood dahil sa mga makukulay na floats at nakakamamanghang pagtatanghal.
Bumihag naman sa maraming manood ang ipinamalas na pagtatangal ng Tindig Sindaw, isang kilalang performance group mula sa Bangsamoro region, dahil sa kanilang mga mga nakamamanghang tradisyunal na sayaw at kahanga-hangang himig na tinugtog gamit ang mga indigenous musical instruments. Dahil dito, hiniranna 2nd runner up ang BARMM dahil sa tawag-pansin at malikhaing float nito.
Nagdaos din ng street fairs, kung saan ibinida ng BARMM ang mga natatanging indigenous at cultural products ng rehiyon. Nagbigay-daan ang street fairs na ito upang matuklasan, matunghayan at makilala pa ng mga dumalo ang masiglang sining at likha ng rehiyon.
Ang paglahok ng BARMM ay nagbigay ng pagkakataon na isulong ang cultural heritage at makabuo ng ugnayan sa Filipino community sa New York.
Isang investment forum naman ang isasagawa sa a-singko ng Hunyo, bilang isang nakikitang potensyal para mas mapalago ang ekonomiya at makahimok ng investment. Layon nito na mahighlight ang pag-sulong ng business environment sa BARMM at matalakay ang potensyal nito para sa tuluy-tuloy na pag-unlad.
Sa pagkakataong ito ay maaring malaman ng mga investors at mga negosyante sa New York ang iba’t ibang sektor at matutunan ang mga investment prospects sa rehiyon. Nagbigay ang nasabing forum ng mahalagang insights patungkol sa economic landscape ng BARMM upang makapaghikayat pa ng mga partnerships at collaborations.
Ang pagkakabilang ng BARMM sa selebrasyon ng 125th Philippine Independence sa New York ay di lamang nagpapalakas ng pagkakaisa ng Filipino community bagkus ay nagsilbi ring daan upang mailahad sa lahat ang mga ambag nito sa kultura at ekonomiya.
Ito rin ay nagpapakita ng pagkilala at pagtanggap sa natatanging pagkakakilanlan ng BARMM sa loob ng mas malawak na Filipino community.
Kasama sa delegasyon ng BARMM ay mga opisyal mula sa Ministry of Trade, Investments, and Tourism (MTIT) na sina Director-General Rosslaini Alonto-Sinarimbo, Directors Hussein Biruar, at Shamera Abobakar at iba pang opisyal ng Ministry, Bangsamoro Information Office (BIO), at ang Provincial Tourism Office ng Lanao del Sur.
Inaasahan na sa pagpapatuloy ng isang linggong selebrasyong ito ay mas mapapalawig pa ang cultural exchange, maisulong ang turismo, at mas mapabuti ang ugnayang pang-ekonomiya ng rehiyon sa Filipino community sa Estados Unidos.
Ang pagdalo ng BARMM sa mga mahalagang kaganapan ay kumatakawan sa positibong pundasyon para sa mas matatag na ugnayan sa mga darating na taon at isang makasaysayang selebrasyon ng pagkakaisa ng mga Pilipino. (Ameen Andrew Alonto, Bai Omairah Yusop/BIO)