COTABATO CITY—Bilang tugon sa krisis na idinulot ng El Niño sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nagsagawa ng mga hakbang ang Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) upang matulungan ang mga naapektuhang indibidwal sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga sako ng binhi ng palay.
Kabilang sa agarang aksyon ng MAFAR sa buong BARMM ang pamimigay ng mga hybrid corn seed, vegetable seed, nitrogen fertilizer, portable solar water pump irrigation system, garden tool, at fingerling at feeds ng tilapia at bangus.
Binanggit ni Ismail Guiamel, Agriculture Services and Focal Person for Disaster Risk Reduction Management (DRRM-BARMM) Director, ang malaking pinsala sa mga agri-fishery production area dulot ng matindinginit at tagtuyot.
“Nananawagan ang MAFAR ngayon para sa kooperasyon ng mgamagsasaka at mangingisda na makipag-ugnayan sa pinakamalapit naMAFAR Municipal office sa kanilang lugar upang masuri at validate ang kanilang mga production area,” sinabi niya.
“Makatutulong din ito sa ating mga magsasaka at mangingingisda namakabangon mula sa mga nawala sakanila dahil magiging basehan ang assessment sa kung ano ang interbensyong na ibibigay ng ministry,” diin ni Guiamel.
Noong ika-29 ng Abril ay nag-isyu ang BARMM Government ng Office of the Chief Minister (OCM) Proclamation No. 002 s. 2024, na nagdedeklarang State of Calamity sa rehiyon dahil sa matinding epekto ng El Niño.
Ang climate pattern na ito ay nagdudulot ng di pangkaraniwang pag-init ng ibabaw ng tubig sa eastern Pacific Ocean, na siyang nagdala ng matinding tagtuyot.
Layunin ng naturang Proklamasyon na matulungan ang mga apektadong komunidad at mapabilis ang mga makabuluhang interbensyon ng interim government, gaya ng response operation at recovery effort. (Kasan Usop, Jr., Bai Omairah Yusop/BIO na may ulat mula sa MAFAR)