Sinimulan na ng Ministry of Human Settlement and Development (MHSD) ang pagpapatayo ng 50 housing units na nagkakahalaga ng P43.7-milyon sa Brgy. Bayanga, Matanog noong ika-10 ng Marso 2024.
Ang nasabing proyekto na pinondohan sa ilalim ng Special Development Fund (SDF) 2022 ay isang tagumpay para sa Ministry at mga local government unit (LGU).
Nagpahayag si MHSD Director-General Esmael Ebrahim ng kanyang pagkagalak sa proyekto at binigyang-diin ang kahalagahan nito bilang pamana ng lahat ng nagtrabaho nito. Ang pagtutulungan ng Ministry at mga LGU ay nagpapakita lamang ng kanilang commitment na makapagbigay-serbisyo sa komunidad.
(“Even in the hereafter, we will be witnesses that in one way or another, we have delivered and have been part of ‘jihad fi sabilillah’ and the sacrifices of our brothers who have been martyrized in this area, have borne fruit and we feel it and is evident with the implementation of this project.”)
“Kahit pa sa kabilang buhay, tayo ay magiging saksi sa isang paraan o iba pa, tayo ay nakapagsilbi at naging bahagi ng ‘jihad fi sabilillah’ at ang mga sakripisyo ng ating mga kapatid na naging martir sa lugar na ito, ay nagbunga at ito’y ating nararamdaman at ito’y nakikita sa pagpapatupad ng proyektong ito,” diin niya.
Matatandaang nalagdaan ng MHSD at mga LGU ng Matanog at Parang ang memorandum of agreement (MOA) para sa mga proyektong ito noong ika-20 ng Pebrero.
Binigyang-diin ni Matanog Mayor Zohria Bansil-Guro ang kahalagahan ng kanilang bayan bilang daanan papuntang Maguindanao del Norte at ang mga pagbabago nito mula sa isang lugar na lubhang naapektuhan ng kaguluhan sa panahon ng labanan noong taong 2000 tungo sa ngayong nagsisilbing sinag ng kaunlaran at kapayapaan.
(“There were no houses in this area during the all-out war, that is why we strive hard to change the narrative as the first impression lasts. With the peace agreement in place, we strive to establish clear indicators of progress in this very community.”)
“Walang mga kabahayan sa lugar na ito sa panahon ng all-out-war, kaya’t kami ay nagsisikap na mabago ito, ika nga, ‘first impression lasts’. Sa pagkakaroon ng kasunduang pangkapayapaan, sinisikap naming na magtatag ng mga klarong indikasyo ng kaunlaran sa komunidad mismong ito,” sinabi ni Guro.
(“This responsibility extends beyond the BARMM to the national government. Every development initiative is intertwined with peace sustenance, a testament to effective governance and the fulfillment of peace accords.”)
Dagdag niya, “Ang responsibilidad na ito ay higit pa sa BARMM hanggang national government. Bawat inisyatibang pangkaunlaran ay kaakibat ng pagpapanatili ng kapayapaan, isang testament ng epektibong pamamahala at pagsasakatuparan ng kasundung pangkapayapaan.”
Samantala, nagsagawa rin ng groundbreaking ceremony para sa 50 housing units sa Sitio Malingao, Brgy. Nituan sa Parang na pinangunahan ng alkalde nito, Mayor Abdulcahar Ibay, kasama si DG Ebrahim.
Binigyang-diin dito ni Mayor Ibay ang kahalagahan ng tamang pagtukoy ng karapat-dapat na benepisyaryo upang matiyak ang tagumpay ng proyekto at nangakong kaagad na tutugunan ano mang mga kakulangan.
(“It is imperative to accurately identify the target beneficiaries to ensure that the housing units are allocated to deserving and rightful families.”)
“Kinakailangan na matukoy natin nang tama ang ating mga target beneficiaries upang masiguro natin na ang ibibigay na mga housing unit ay mapupunta sa mga karapat-dapat at tamang pamilya,” pahayag ni Ibay.
Nasa P41.8-milyon ang kabuuang halaga ng naturang proyekto sa ilalim ng General Appropriations Act of the Bangsamoro (GAAB) 2024.
Bawat housing unit ay may sukat na 6×8 square meter floor area, may tatlong kwarto, isang living at dining area, service area, front porch, at palikuran.
Ang inisyatibang ito ay nagpapakita ng magkaugnay na katayuan ng kaunlaran at kapanatilian ng kapayapaan na siyang nagpapakita ng epektibong pamamahala at pagsasagawa ng mga kasunduang pangkapayapaan. (Myrna Tepadan, Bai Omairah Yusop/BIO)