COTABATO CITY- Natanggap na ng nasa 1,894 healthcare workers sa Bangsamoro region ang kanilang Health Emergency Allowance (HEA) mula sa Ministry of Health o MOH noong Nov. 11-12.
Sakop nito ang sampung buwang allowance mula Oktubre hanggang Disyembre taong 2021 at Enero hanggang Hulyo taong 2023 kung saan aabot sa P820-milyon halaga ang inilaang pondo ng MOH.
Ang HEA ay naglalayong mabigyan ng tulong ang mga healthcare workers at ang masuportahan ang kani-kanilang mga pamilya.
Binigyang papuri naman ni MOH minister Dr. Kadil Sinolinding, Jr. ang mga healthcare workers dahil sa di matatawarang dedikasyon at serbisyo noong panahon ng pandemya.
“Ang allowance na ito ay isa sa nakitang paraan ng Bangsamoro government upang pasalamatan at masuportahan kayo sa mga naging sakripisyo nong nakakaranas tayo ng health crisis,” ayon kay Dr. Sinolinding.
“Ang mga healthcare workers ay maituturong na heroes dahil sila ang mga frontliners noong pandemya. Ang kanilang mga pagsisikap ay naging susi upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19,” dagdag ni Dr. Sinolinding.
Nakasaad sa Republic Act no. 11712, ang lahat ng healthcare workers na nagsilbi at nagbigay ng serbisyo noong kasagsagan ng pandemya ay makakatanggap ng tulong pinansyal. (Kasan Usop, Jr. , Myrna Tepadan/BIO with reports from MOH)