COTABATO CITY—Hangad ng Bangsamoro Government na mapanatiling prayoridad na tiyaking ligtas at walang takot ang mga bata sa loob ng rehiyon—kaya patuloy na pa-iigtingin ang mga programa upang maprotektahan ang ito sa mga karahasan.
Sa ginanap na Children’s Month celebration noong Nov. 16 sa Cotabato City, binigyang diin ni BARMM Chief Minster Ahod Ebrahim ang programa ay akma sa mga nangyayari ngayon sa paligid.
“Ang selebrasyon ay direktang tumutugun sa mga nakakabahalang insidente tungkol sa violence against children na patuloy na kinakaharap ng ating rehiyon,” Ayon kay Ebrahim.
Kasabay rin nito ang paglunsad ng Regional Plan of Action for Children o RPAC para sa taong 2024-2028 na magbibigay ng mas ligtas at maayos na kapaligiran.
“Isa sa pinakamahalagang assets ng ating bansa ay mga bata—kaya mananatili ang ating pagsusumikap para sa kanilang mga kapakanan alinsunod sa UN Convention on the Rights of the Child,” Dagdag pa nito.
Aniya, kinakailangan rin na mabigyan ng agarang hakbang ang mga hamon na ito upang maprotektahan ang karapatan ng mga bata.
“Deka-dekadang kaguluhan ang mga dinanas natin kung saan nagbigay ito ng negatibong epekto sa buhay ng mga bata at ngayon patuloy parin tayong nakikipaglaban sa mga isyu at karahasan na ito,” Ayon kay Ebrahim.
Samantala, ayon kay Minister Raissa Jajurie, isa ito sa mahahalagang programa ng MSSD kasama ang Pilipinas bilang signatory sa Convention on the Rights of the Child.
“Bigyan natin ng halimbawa, sa ilalim ng right to survival—tinitiyak namin na protektado ang buhay ng mga bata at dapat na guarantee ito ng ating gobyerno,” Ayon kay Jajurie, Kinakailangang ma-protektahan sa anumang karahasan ang mga bata physical, mental, sexual abuse, trafficking, at kidnapping.
Dadag ni Minister Jajurie, karapatan din ng ating mga kabataan na makapag-aral at matuto. (Majid Nur, Myrna Tepadan/BIO)