JOLO, Sulu – Panibagong tagumpay ang naabot ng BARMMM sa pagbibigay nito ng 100 housing unit sa mga pamilya ng dalawang munisipalidad sa Sulu, na naghandog ng di lamang bagong bagay ngunit bagong pag-asa rin para sa isang mabuting kalidad ng buhay.
Pinangunahan ng Ministry of Human Settlements and Development (MHSD) ang ceremonial awarding noong ika-4 ng Mayo, 50 bagong gawang bahay sa bawat isa sa Pitogo, Kalinggalan Caluang at Tangkuan, Omar. Ang naturang inisyatiba ay kabilang sa komprehensibong programa sa resettlement at rehabilitasyon.
Binigyang-diin ni MHSD Minister Atty. Hamid Aminoddin Barra sa isinagawang awarding ceremony sa Indanan na habang MHSD ang nagpapatayo ng mga bahay ay responsibilidad naman ng mga benepisyaryo na gawin itong isang tahanan na may Sakinah (katahimikan), Mawaddah (pag-ibig), at Rahmah (pag-uunawaan) na naayon sa prinsipyo ng Islam.
“I-tuturn-over namin itong mga bahay sa inyo pero kayo ang gagawa para ito’y maging tahanan. Dapat nandoon ang tatlong requirement sa paningin ng Islam, Sakinah, Mawaddah, and Rahmah,” sinabi ni Barra.
Personal na tinanggap ni K. Caluang Mayor Nurshamier Halun at Panamao Mayor Al-Frazier Abdurajak ang mga natapos na bahay na maari nang tirahan. Nagpahayag sila din sila ng lubos na pasasalamat sa BARMM para sa proyektong ito.
Samantala, ibinahagi naman si Atty. Najira Hassan, MHSD -Sulu Provincial Director, na hindi ito ang kauna-unahang housing settlement awarding ceremony na naidaos sa Sulu dahil dalawa na ang naisagawa nila sa Indanan.
Nagpasalamat siya sa mga benepisyaryo at sinabi na mas maraming proyektong pabahay pa ang isinasagawa para sa probinsya.
Bilang isa sa mga benepisyaryo, matindi ang pasasalamat ni Julma Abu, may siyam na anak, sa BARMM dahil sa mamamalagi na sila sakanilang bagong tahanan habang tinatanaw ang mas maayos at maunlad na komunidad sa hinaharap.
Kasabay dn ng pamamahaging ito ang pagsasagawa ng groundbreaking ceremony para sa 50 housing unit sa Capual, Omar na may halagang 40,500,000 pesos. Para sa pangakong mas maraming inisyatiba para sa proyektong pabahay, isinasagawa ngayon ng BARMM ang commitment nito sa pagpapabuti ng mga buhay ng mamamayan nito at sa pagbuo ng mas maliwanag na kinabukasan para sa mga darating pang henerasyon. (Alline Jamar Undikan, Sylvia Calderon, Bai Omairah Yusop/BIO)