Nagsagawa ng inisyatiba ang Bangsamoro Government para sa pagpapatayo ng mga proyektong pang-imprastraktura para sa mga komunidad ng indigenous peoples (IPs) sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte, na sa ngayon ay nasimulan na sa mga bayan ng dalawang probinsya nitong buwan ng Marso.
Inumpisahan ng Ministry of Indigenous People’s Affairs (MIPA) ang konstruksyon ng pitong proyektong pang-imprastraktura na pinondohan gamit ang Special Development Fund (SDF) 2022.
Kasama sa proyekyo ang pagpapatayo ng dalawang (2) Tribal Halls sa Brgy. Tubak at Kauran sa Ampatuan, at isa (1) ring Tribal Hall sa Brgy. Limpongo sa Datu Hoffer, lahat sa Maguindanao del Sur. Maliban dito, tatlong (3) proyekto ng Water System Level II ang gagawing sa Brgy. Renede, Brgy. Kabakaba, at Brgy, Kibukay sa Upi, Maguindanao del Norte, at isang (1) Warehouse at Solar Dryer sa Brgy, Labungan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Nagkakahalaga ang Tribal Hall ng P5,100,000 bawat isa, samantalang bawat Water System II project ay may halagang P5-milyon, at P2,469,800 naman ang Warehouse at Solar Dryer.
Dahil sa mga ito, nagpaabot ng pasasalamat si Sultan Nestor Bualao, lider ng tribo sa Brgy. Tubak, sa Government of the Day para sa kanilang tulong sa mga komunidad ng IP, na kahanay sa adbokasiya ni Chief Minister Ahod Ebrahim na makapaghatid ng serbisyo at inklusibidad sa mga grassroots level.
“Ang mga proyektong ito ay magbibifay ng pagkakatao para sa komunidad ng Menubu Dulangan sa Brgy. Tubak. Magagamit ang Tribal Hall para sa mga tradisyunal na pamamaraan, kabilang ang pagresolba ng mga hidwaan,” sinabi ng Bualao.
(“These projects will provide opportunities for the Menubu Dulangan community in Brgy. Tubak. The Tribal Hall will be utilized for traditional methods, including conflict resolution.”)
Maliban dito ay nakapagturn over din ang MIPA ng dalawang proyektong Water System Level II sa Brgy. Renede at Brgy. Kinitaan sa Upi, isang Warehouse na may Multi-purpose Pavement sa Brgy. Sifaran, Datu Odin Sinsuat, isang Office of Traditional at Tribal Justice Hall sa Brgy. Badak, DOS, at isang IP Peace Hall sa Brgy. Taliwasa, Datu Abdullah Sangki, sa ilalim ng SDF 2020 at 2021.
Ayon sa MIPA, marami pa ang mga paparating na proyekto para sa mga komunidad ng IP. (Myrna Tepadan, Bai Omairah Yusop/BIO)