COTABATO CITY- Binigyang pagkilala ng Ministry of Public Order and Safety (MPOS) ang mga natatanging grassroots peacebuilding projects sa isang awarding ceremony na ginanap noong ika 30 ng Setyembre sa Pagana Function Hall sa Cotabato City.
Ang Peace Champions Search ay isang taunang palahok na inorganisa ng MPOS education division sa layuning kilalanin ang mga natatanging inisiyatibo na makakatulong sa pag mentena ng kapayapaan ng komunidad.
Ayon sa MPOS Minister na si Hussein Munoz, mahalaga ang pagkilala at pagpaparangal sa mga grassroots initiatives tungo sa kapayapaan sa Bangsamoro Region. Sa kanyang mensahe sinabi nito na mahalaga ang ambag ng mga peace champions sa pagsusulong ng kapayapaan.
“Today, we are here not just to honor individuals, but to recognize the collective efforts that have brought us closer to apeaceful and harmonious Bangsamoro Region. Your strong commitment and creative approaches have contributed to the peace we are building together,” ayon kay Minister Munoz.
Nanawag rin ang opisyal na magtulungan upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan na nangangailangan ng katatagan, pagtitiis at malalim pag-unawa.
Dumalo naman sa gabi ng parangal ang Executive Director ng Tiyakap Kalilintad Inc. na si Abdulnasser Binasing bilang hurado kung saan kanyang binigyan pugay ang mga peacebuilders dahil sa mga kontribusyon nila na nagbigay lakas at pagbabago sa komunidad.
“To our awardees, your contributions to the Bangsamoro peace process are truly inspiring. You have shown us that even in the face of adversity, we can choose the path of peace and work together to build a brighter future for our children and generations to come,” ayon kay Binasing.
Kabilang sa mga kalahok sa parangal ay sina Khadiguia Balah mula sa Special Geographic Area, Edriane Shane Casipong ng Tawi-Tawi, Norsayllah Dansalan ng Maguindanao del Norte at sina Jubaira Said at Juhra Kiman na mula naman sa Basilan.
Kinilala naman bilang pinakamataas na parangal si Jubaira Said mula sa lalawigan ng Basilan, kung saan isa sa natatanging kontribusyon nito ay ang pagbibigay ng edukasyon sa mga batang musmus at mahihirap na batang Badjao.
Layon ng adbokasiyang ito ang pagbibigay ng matutuluyan, pagkain at mga damit. (Majid Nur,Laila Aripin/BIO)