Photo by Hamdan Badrudin
Ang kanilang kolaborasyon ay nakatuon sa supervisory at jurisdictional control sa mahahalagang air industry players, gaya ng air carriers, general sales agents, cargo sales agents, freight forwarders, at general sales agents na may operasyon sa loob ng rehiyon.
Binigyang-diin ni MOTC Minister Atty. Paisalin Tago na ang kasunduan ay karagdagang tagumpay para sa Government of the Day, na inaasahang magbibigay-daan para makamit ang buong potensyal ng lungsod upang umunlad at mapababa ang kahirapan.
“Hindi ito basta-basta lamang na pagpirma ng papel, dahil makakatulong ito sa income ng BARMM [at] pati pag-collect ng revenue. Unti-unti po nating nakikita at nari-realize ‘yong mga benefits ng pagtataguyod natin ng Bangsamoro Government,” pahayag ni Tago.
Nagpahayag ng pasasalamat si Tago sa pamahalaan ng lungsod ng Cotabato at sinabing ang tagumpay ng kanilang pagtutulungan ay hindi kakayanin kung CAB-BARMM lamang ang magpapatupad nito, kaya’t kailangan nito ang buong suporta ng LGU.
“Nagpapasalamat kami sa Cotabato LGU, dahil sila po ay magiging katuwang at kasama natin sa pagtataguyod ng isang mapayapa, masigasig at matagumpay na gobyerno,” dagdag niya.
Inaasahan naman ni Tago, na isa ring Member of the Parliament, na lahat ng stakeholders na ang operasyon ay nasa ilalim ng awtoridad ng CAB-BARMM ay susunod sa regulasyon ng board bago makakuha ng permit mula sa lungsod.
Samantala, tiniyak din ni Cotabato City Mayor Mohammad Ali “Bruce” Matabalao sa BARMM government na patuloy ang kanilang pagbibigay ng suporta sa mandato ng Ministry, partikular sa pagpapatupad at regulasyon ng CAB-BARMM.
“Sinisiguro ko sa inyo […] anumang kailangan BARMM Government sa pamahalaang lungsod, basta’t ito’y legal at naaayon sa batas, makatitiyak na kami ay nasa likod ninyo at handang makipagtulungan,” sinabi ni Matabalao.
Ang pagbuo ng isang maasahan at matatag na sistema na transportasyong panghimpapawid, komunikasyon, komersyal, at iba pang strategic infrastructure upang mapalago ang ekonomiya ng rehiyon ay kabilang sa enhanced 12-Point Priority Agenda ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim para sa taong 2023 hanggang 2025. (Johaira Sahidala, Bai Omairah Yusop/BIO)