Blueprint para sa pagbabago ng MILF Camp Abubakar inilabas ng pamahalaan

MAGUINDANAO DEL NORTE—Opisyal nang inilabas ng national government, sa pamamagitan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), ang master development plan ng Camp Abubakar ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong ika-23 ng Enero. Isinagawa ito sa loob ng dating training camp ng MILF sa Barangay Tugaig sa Barira, Maguindanao…

MBHTE pinasinayaan ang bagong 2-storey office building sa Tawi-Tawi

BONGAO, Tawi-Tawi – Naging mas espesyal ang selebrasyon ng 5th Bangsamoro Foundation para sa mga manggagawa sa sektor ng edukasyon nang pasinayaan ng Ministry of Basic, Higher, and Technical (MBHTE) ang bagong-tayong 2-storey schools division office building. Noong ika-23 ng Enero ay pinangunahan ni MBHTE Director General for Basic Education Abdullah Salik Jr., na kumatawan…

MOST namahagi ng STARBOOK, tablet, lab equipment sa mga paaralan sa Tawi-Tawi

BONGAO, Tawi-Tawi –Sa huling araw ng selebrasyon ng 5th Bangsamoro Foundation, ika-26 ng Enero, ay namahagi ang Ministry of Science and Technology (MOST) ng ilang science laboratory apparatus, STARBOOK, at android tablet para sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa bayang ito. Pinangunahan ni Badria Lidasan, MOST-BARMM Executive Assistant IV, ang pamamahagi ng mga kagamitan kasama ang…

BARMM nagbukas ng bagong multi-purpose building para sa komunidad ng IP sa SGA

SPECIAL GEOGRAPHIC AREA—Nagbigay ng karagdagang kagalakan ang 5th Bangsamoro Foundation Day para sa mga komunidad ng Indigenous People (IP) sa Barangay Kitulaan sa Carmen Cluster ng Special Geographic Area (SGA) nang pasinayaan ang bagong multi-purpose building mula sa regional government noong ika-25 ng Enero. Magsisilbing learning center para sa mga IP ang nasabing gusali na…

Malaking ani, mataas na kita ang naghihintay sa mga rice farmer sa Maguindanao matapos makumpleto ang pagsasanay sa MBHTE-TESD

NORTHERN KABUNTALAN, Maguindanao del Norte —Binigyang pagkilala ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education – Technical Education and Skills Development (MBHTE-TESD) ang nasa 1,175 magsasaka sa rehiyon para sa kanilang matagumpay na pagkumpleto sa mga training program na nakatuon sa produksyon ng dekalidad na inbred rice, seed certification, at farm mechanization. Noong Biyernes, ika-12…