Lamitan magkakaroon ng bagong peace playground para sa mga bata mula sa BARMM

COTABATO CITY—Sinimulan na ng Bangsamoro Government, sa pamamagitan ng Ministry of Public Order and Safety (MPOS) at sa pakikipagtulungan kay MP Muslimin Jakilan, ang pagpapatayo ng isang peace playground sa Sitio Sayugan, Barangay Maligaya, Lamitan City, noong ika-31 ng Hulyo, upang maitaguyod ang pagkakaisa at maisulong ang kultura ng kapayapaan. Ang nasabing playground ay dinisenyo…

MHSD, CRS nagbigay ng shelter kits sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo sa MagNorte

PARANG, Maguindanao del Norte – Namahagi ng shelter kits at mahahalagang kagamitan ang Ministry of Human Settlements and Development (MHSD), sa pakikipagtulungan sa Catholic Relief Services (CRS), sa 37 pamilya sa Barangay Pinantao, Parang, na ang mga tahanan ay lubhang napinsala ng Typhoon Carina noong ika-9 ng Hulyo. Bawat pamilya ay nakatanggap ng mga mahahalagang…

Pagpapalakas sa mga kababaihang Bangsamoro: Kabuhayan ni Kaka Bai Project inilunsad sa Tawi-Tawi

BONGAO, Tawi-Tawi – Nasa 30 kababaihan ang napabilang sa mga unang benepisyaryo ng P20,000 halagang tulong pinansyal sa paglulunsad ng Bangsamoro Women Commission (BWC) nga Special Development Fund- Kabuhayan ni Kaka Bai (SDF-KKB) Project noong ika-6 ng Agosto sa Luuk Pandan sa Bongao Municipality. Sa ilalim ng SDF-KKB Project, ang mga benepisyaryo ay sasailalim sa…

BWC sinuportahan ang 30 kababaihang Tausug sa kanilang tulong pangkabuhayan

INDANAN, Sulu —Namahagi ang Bangsamoro Women Commission (BWC) noong ika-4 ng Agosto ng tulong pangkabuhayan sa 30 kababaihang Tausug upang mapalakas ang kanilang pagnenegosyo at ekonomiyang kapasidad. Bawat isa ay tumanggap ng P20,000 sa pamamagitan ng proyektong Special Development Fund – Kabuhayan ni Kakah Bai (SDF-KKB), isang bagong inisyatiba ng BWC na nakapokus sa pagpapalakas…

Marawi Rehabilitation Program ng OCM nagbigay ng libreng tulong medikal sa mga IDP

MARAWI CITY –Naglunsad ang Marawi Rehabilitation Program (OCM-MRP) ng Office of the Chief Minister (OCM-MRP) ng sunod-sunod na medical mission para sa mga internally displaced persons (IDPs) na nakatira sa mga permenteng kabahayan sa mga barangay ng Dulay Proper at Mipantao Gadungan mula ika-29 ng Hulyo hanggang ika-2 ng Agosto 2024. Nakipagtulungan ang Project Management…