COTABATO CITY—Bilang isang hakbang sa pagsusulong sa paggamit ng teknolohiya ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs), naglunsad ang Ministry of Science and Technology ng isang skills training para sa tatlong kooperatiba ng Special Geographic Area ng BARMM sa North Cotabato, noong ika-3 hanggang ika-5 ng Mayo sa Kabacan.
Layunin ng nasabing programa na magbigay kaalaman at mahasa ang kakayahan ng mga kooperatiba sa kasanayan ng food safety, good manufacturing practices, packaging and labeling, at halal awareness upang mas mapalakas pa ang kanilang produktibidad at operasyon.
Pagpapaliwanag ni Monawara Abdulbadie, Chief Science Research Specialist, Science and Technology Services, “the ministry aimed for MSMEs’ products to become competitive in the market and supply more while adhering to minimum standards set by the Food and Drug Administration (FDA).”
Maayos ang pagtanggap sa training ng mga lumahok na kooperatiba na kinabibilangan ng Pikit 2 Catalyst Association (P2CA), Kapalawan Women’s Association (KWA), at Integrated Bangsamoro Agricultural and Development Association (IBADA), na nagpahayag din ng kanilang pasasalamat para sa bagong kaalaman at kasanayang natanggap.
“We are grateful to MOST because, with this training, we learned the correct way to put food in the refrigerator, what is called first in and first out. We learned a lot of new ideas,” pahayag ni KWA President Sittie Sara Kalunsin.
Ayon kay IBADA President Samsudin Malantawan, ang mga input na kanilang natutunan sa naturang pagsasanay ay mahalaga sa kanilang pang araw-araw na gawain at negosyo.
“The things that we have learned, the knowledge that is helpful and applicable in our daily life, we must do so that we can get blessings from Allah SWT,” sinabi ni Malantawan. (Majid Nur, Bai Omairah Yusop/BIO na may ulat mula sa MOST)