BONGAO, Tawi-Tawi – Nasa 30 kababaihan ang napabilang sa mga unang benepisyaryo ng P20,000 halagang tulong pinansyal sa paglulunsad ng Bangsamoro Women Commission (BWC) nga Special Development Fund- Kabuhayan ni Kaka Bai (SDF-KKB) Project noong ika-6 ng Agosto sa Luuk Pandan sa Bongao Municipality.
Sa ilalim ng SDF-KKB Project, ang mga benepisyaryo ay sasailalim sa kapitalismo sa pamamagitan ng microfinancing na naaayon sa Shari’a sa loob ng isang taon. Ang mga benepisyaryo ay kinakailangang makapagbukas ng savings accounts sa Amanah Bank o Land Bank of the Philippines. Dagdag pa sa tulong pinansyal ay tumanggap din sila ng mga tarpaulin, columnar book, at monitoring tool para sa buwanang pangangasiwa ng BWC Provincial Office.
Pinangunahan ni BWC Tawi-Tawi Commissioner Ranissa Salahuddin at Development Management Officer Baiali Diocolano ang pagbibigay ng tulong sa mga benepisyaryo. Kabilang sa proseso para sa pagpili ng mga benepisyaryo ang isang detalyadong pagsusuri ng mga project proposal na isinumite ng mga aplikante para sa kanilang mga maliliit na negosyo.
Binigyang-diin ni Diocolano na ang kahalagahan ng naturang inisyatiba sa pagsusuporta sa mga kababaihang Bangsamoro. “Ang layunin natin ay mapalawig ang programang ito. Sa ngayon, mayroon tayong 30 benepisyaryo, ngunit nais din natin na masuportahan ang mas maraming kababaihan sa hinaharap, kaya naman mahalaga na maipatupad natin nang epektibo ang proyektong ito,” sinabi niya.
Bago pa nila matanggap ang tulong pinansyal ay sumailalim sila sa isang pagsasanay patungkol sa ledger management and monitoring, fund administration, at lumagda ng kasunduan kasama ang BWC.
Nangako naman si Diana Amilasan, kinatawan ng Tawi-Tawi Provincial Women’s Council, ng kanyang suporta sa lahat ng mga aktibidad ng BWC sa pagpoprotekta at pagpapabuti sa kapakanan ng mga kababaihang Bangsamoro, at nagpahayag ng pag-asa para sa mas marami pang partnership at kolaborasyon.
“Lubos akong nagpapasalamat kay Chief Minister Ahod “Al-haj Murad” B. Ebrahim, Ma’am Bainon Karon, at sa ating mga commissioner para sa pagbibigay ng oportunidad na maging benepisyaryo ng “Kabuhayan Hi Kaka Bai”. Napakahalaga ng tulong na ito. Kami ay committed na ipakita ang pag-unlad at tagumpay ng suportang ito.
[Magsarang sukol ako especially kan Chief Minister Hadji Murad Ebrahim, Kan Maam Hadja Bainon iban ha commissioner namoh pasal dihilan kami opportunity para makalamud ha Kabuhayan hi Kaka Bai, Hiyahalgaan tuod namoh in katatabagan ini, ipakita namoh sin ikaguwa namoh bukun lang in capital ini.]
Binibigyang-diin ng proyektong Kabuhayan ni Kaka Bai ang dedikasyon ng Bangsamoro government na mapalakas ang mga kababaihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkakataon para magnegosyo habang itinataguyod ang mga prinsipyong Halal at isinusulong ang Islamic banking and finance sa rehiyon. (Laila Aripin, Bai Omairah Yusop/BIO)