COTABATO CITY— Umabot na sa kabuuang 84,919 mahihirap na pasyente mula sa loob at labas ng Bangsamoro region ang natulungan ng programang Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government o AMBaG ng Office of the Chief Minister mula Disyembre 2019 hanggang Agosto 2023.
Ayon kay AMBag Program Manager Moh’d Asnin Pendatun, mula nang mailunsad ang programa ay nakapagbigay na ito ng mahigit sa kalahating bilyon o P516,090,334.49 na pondo upang matulungan ang mga mahihirap na pasyente sa kanilang bayarin sa ospital.
Sa 84,919 na nakabenepisyong pasyente ay nasa 37,395 ang kababaihan, 18,645 ang kalalakihan, habang 28,648 ang mga bata.
“Sa mga nakalipas na buwan ay tuloy-tuloy ang pagre-replenish nating ng AMBaG funds sa iba’t-ibang partners hospitals natin […] at yung mga karagdagang ospital natin sa taong ito ay natanggap na rin nila yung kanilang mga pondo,” pahayag ni Pendatun, na siya ring kasalukuyang Cabinet Secretary.
Sa kasalukuyan, ang mga sumusunod ang mga partners hospitals ng programang AMBaG sa loob at labas ng Bangsamoro region:
- Aleosan District Hospital
- Amai PakPak Medical Center
- Balindong Municipal Hospital
- Basilan General Hospital
- Buluan District Hospital
- Cagayan De Tawi-Tawi District Hospital
- Cotabato Provincial Hospital
- Cotabato Regional and Medical Center
- Cotabato Sanitarium and General Hospital
- Datu Alawaddin T. Bandon Sr. Memorial Hospital
- Datu Blah T. Sinsuat District Hospital
- Datu Halun Sakilan Memorial Hospital
- Datu Odin Sinsuat District Hospital
- Davao Occidental General Hospital
- Davao Oriental Provincial Medical Center
- Davao Regional Medical Center
- Dr. Jorge P. Royeca Hospital
- Dr. Serapio B. Montaner,Jr. Al Haj Memorial Hospital
- Iranun District Hospital
- Lamitan District Hospital
- Languyan Municipal Hospital
- Luuk District Hospital
- Maguindanao Provincial Hospital
- Maimbung District Hospital
- Panamao District Hospital
- Panguntaran District Hospital
- Parang District Hospital
- Siasi District Hospital
- Siocon District Hospital
- South Cotabato Provincial Hospital
- South Upi Municipal Hospital
- Southern Philippines Medical Center
- Sulu Provincial Hospital
- Sulu Sanitarium and General Hospital
- Sumisip District Hospital
- Tamparan District Hospital
- Tapul Municipal Hospital
- Tongkil Municipal Hospital
- Tuan Ligaddung Lipae Memorial Hospital
- Unayan District Hospital
- Wao District Hospital
- Zamboanga City Medical Center
- Zamboanga Del Sur Medical Center
- Zamboanga Sibugay Provincial Hospital
Noong ika-18 ng Setyembre ay tinanggap ni Dr. Harris Macapeges, chief ng Iranun District Hospital sa Parang, Maguindanao del Norte, ang tsekeng nagkakahalaga ng P10-milyon bilang replenishment fund mula sa AMBag. Samantala, noong ika-15 ng Setyembre ay nakapagbigay rin ang AMBaG ng P15-milyong pondo sa Buluan District Hospital sa Maguindanao del Sur, at P5-milyon sa Unayan District Hospital at P10-milyon naman para sa Wao District Hospital na parehong nasa Lanao del Sur.
“Matapos itong sunod-sunod na mga fund transfer, talagang masasabi natin na bago matapos ang taong ito, lahat na ng government hospitals dito sa BARMM, hindi lang partnered hospital, ay functioning na sa kani-kanilang ospital,” dagdag ni Pendatun.
Dagdag pa rito ay mas pinalawig na rin ng AMBAG ang sakop nito. Liban sa pagsisilbi nito sa mga pasyenteng indigent ay awtomatiko na itong tatanggap ng mga pasyenteng senior citizen, kababaihan, persons with disabilities (PWDs), biktima ng violence against women and children (VAWC), at mga naapektuhan ng kalamidad. Ituturing ding outpatients ang mga pasyenteng sumailalim sa dialysis, chemotherapy, at iba pang laboratory tests.
“Ang AMBaG ay isa sa special program ni chief minister (Ahod Ebrahim) na ang layunin ay makatulong doon sa bayaring hospital ng ating mga kababayan, at kami ay nagagalak na ibahagi sa inyo na mas pinalakas, pinalawak at pinarami pa yung ating partner hospital,” pagbabahagi ni Pendatun.
Ang pagkakaroon ng pantay-pantay na access sa dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan ay kabilang sa pinahusay na 12-point priority agenda ng the Bangsamoro Government pasa sa taong 2023-2025. (Myrna Tepadan, Bai Omairah Yusop/BIO)