LAMITAN CITY—Itinurn-over ng programang Kapayapaan saPamayanan (KAPYANAN) ng Office of the Chief Minister (OCM) ang 150 unit na disenteng pabahay na may kabuuang halaga ng P95-milyon para sa mga pamilyang kinokonsiderang poorest of the poor sa tatlong bayan sa Lamitan, Basilan noong ika-23 ng Abril 2024.
Pinangunahan ni Lamitan City Mayor Roderick Furigay at KAPYANAN Project Manager Engr. Mohammad Abdullah ang nasabing seremonya saColonia na napaglaanan ng 104 units, 15 units para sa Sengal, at 40 units para sa Ubit.
Nagpasalamat naman si Project Manager Engr. Abdullah para sa mahusayna pagganap ng local government unit ng Lamitan City.
“Pinapaabot namin ang aming lubos na pasasalamat para sa ating kagalang-galang na alkalde, ang unang alkalde sa buong BARMM na nakapagturnover ng ganito kagagandang bahay. Talaga namang nagagalak ang buongKAPYANAN team,” sinabi niya.
“Medyo mahirap ang pagkakaroon ng disenteng bahay sa ngayon, ngunitang KAPYANAN ay naglaan ng maraming pabahay para sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at ibang lugar sa buong BARMM. Ang aming programa, sailalim ng ating mahal na Chief Minister Ahod Ebrahim, ay nakatuon salayuning ito. Maraming salamat sa ating Chief Minister Ahod Ebrahim,” dagdag niya.
Kasama rin sa lubos na nagpapasalamat sa proyektong pabahay BARMM government si Ma. Luisa Tubo, 55 taong gulang at biyudang may dalawanganak.
“Dahil sa inyo, ang aming mga puso at isip ay nabuhayan upang mulingmangarap at sumali sa kung anumang aktibidad na makatutulong upangmaiangat ang ating lipunan,” pahayag ni Tubo.
“Maraming salamat, BARMM, para sa pagbibigay sa amin ng bahay namatatawag na naming tahanga, kung saan talagang masasabi naming: AMING TAHANAN! Salamat sa Panginoon, para sa pagdinig sa iyak ng mga mahihirap na pamilya at pagsagot sa aming panalangin na magkaroonng sariling tahanan.” Dagdag niya.
“Sa panahon ngayon, napakahirap na makahanap ng disente atkomportableng tahanan dahil na rin sa hirap ng buhay ngayon. Ngunit ang pananaw na ito ay nagbago na. Dito sa Lamitan, nakapagbibigay tayo ng libreng bahay. Ang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan ay abot-kamay na,” ani Mayor Furigay.
“Isang pagpapala ang araw na ito lalo pa’t ipinagdiriwang natin ang bagongtagumpay para sa siyudad. Ako ay lubos na nagagalak na matunghayan ang turnover ng mga housing unit na ito na galing sa KAPYANAN para sa mgabarangay ng Colonia, Sengal, at Ubit,” sinabi niya.
Binigyang-diin ng alkalde na ang mga bahay ay naitayo nang may magandang pundasyon para sa mga magmamay-ari nito at nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa pagsasakatuparan nitong proyekto.
“Maraming salamat para sa aming mga local partner, lalo na sa walang-pagod na dedikasyon ng aming opisyales ng BARMM at ng Lamitan City. Pinapatid din namin ang aming pasasalamat, muchas gracias, kay Chief Minister Ahod Ebrahim. Ang proyektong pabahay na ito ay hindi lamangang pagsisimula o pagtatapos; ito ay tuloy-tuloy na proyekto na pinalakasng aming pagmamahal at suporta para sa aming mamamayan,” saad niMayor Furigay.
Ang KAPYANAN ay isang proyekto na inilaan para sa mga ‘poorest of the poor’, internally displaced persons, ulila ng digmaan, indigenous people, at iba pang miyembro ng mga mahihirap na komunidad. Bawat housing unit ay nagkakahalaga ng P600,000.00. (Majid Nur/BIO).