COTABATO CITY—Nakatanggap ng permanenteng housing units mula sa Bangsamoro Government ang nasa isandaang pamilya sa Special Geographic Area (SGA).
Pinangunahan ng Ministry of Human Settlement and Development (MHSD) ang dalawang magkahiwalay na awarding ceremonies para sa nasabing units sa Barangay Buricain, Pigcawayan sa SGA at Barangay Balobo, Lamitan City sa Basilan noong ika-20 at ika-22 ng Hunyo.
Sinabi ng MHSD na marami sa mga benepisyaryo sa SGA at Basilan ay mga pamilya ng mga ‘martyrs’ at biktima ng kalamidad.
Sa kanyang katutubong linggwahe ay nagpahayag naman ang isang benepisyaryo ng nasabing aktibidad mula sa SGA na sa ilang taon nya nang pananatili sa kanilang bayan ay wala pang naimplementang housing project sa kanilang lugar, ngayon pa lang nang naitatag na ang pamunuan ng BARMM.
“Samaya na kagedam nami i tidtu tidto i kapyanan nu Bangsamoro government siya sa kanu inged tanu. Panginsukuren kami sa masla sa BARMM sa kanu kapapedtalaguy nin sa gobyerno kagina madakel den i kagedam tanu a mapia a nakanggulalan nin,” saad ni Alon.
[We now feel the genuine goodness of the Bangsamoro Government in our place; we hugely thank the BARMM in its governance because we have noticed and felt many interventions they have already extended].
Binanggit din ni Alon na marami sa mga benepisyaryo ay mga nawalan ng mga magulang at asawa sa kanilang pakikipaglaban para sa hustisya sa Bangsamoro, at matagal na ring naninirahan kasama ang ibang miyembro ng kanilang mga pamilya sa sira-sira nilang tahanan.
Ani MHSD Minister Hamid Aminoddin D. Barra, “the activity was an expression of the initiative and dedication of the Ministry to the preservation of peace”.
“We are rebuilding peace by (re)building houses; this is our practical expression of what the Chief Minister told us —‘Moral Governance’, and this is also how we express our accountability not only to the Bangsamoro Government but to the people, the mujahideen who sacrificed their lives, and to the Philippine government and the Filipinos,” pahayag niya.
Dumalo rin sa nasabing awarding ceremony si Senior Minister Abunawas Maslamama.
“The sound and power of talking through peaceful negotiation is louder and stronger than the sound of firing [a] gun,” binigyang-diin na kung wala ang peace negotiation ay wala ring mga proyektong katulad ng isinagawa ng MHSD. (Abdullah Matucan, Bai Omairah Yusop/BIO with reports from MHSD)