MARAWI CITY –Naglunsad ang Marawi Rehabilitation Program (OCM-MRP) ng Office of the Chief Minister (OCM-MRP) ng sunod-sunod na medical mission para sa mga internally displaced persons (IDPs) na nakatira sa mga permenteng kabahayan sa mga barangay ng Dulay Proper at Mipantao Gadungan mula ika-29 ng Hulyo hanggang ika-2 ng Agosto 2024.
Nakipagtulungan ang Project Management Office ng MRP sa Salaam Hospital Foundation, Inc., Dr. Abdullah Hospital Foundation, Inc., at Mindalano Specialist Hospital Foundation, Inc. para makapagbigay ng libreng medical consultation, mga gamot, at supplement sa mga IDP na mula sa mga most affected areas (MAA).
Nakatakda ring bumisita ang mobile clinic ng MRP sa mga karagdagang shelters, parehong permanente at di-permenente.
Binigyang-diin ni Member of the Parliament Said Sheik, na siya ring kasalukuyang MRP Project Manager, na ang naturang medical mission ay bahagi ng komprehensibong interbensyon ng OCM na naglalayong makapagbigay sa lahat ng mga IDP na apektado ng 2017 siege.
“Ang pagsusuporta sa rehabilitasyon ng Marawi City ay kabilang sa 12-priority agenda ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim. Bilang isang Muslim at bilang pagsunod sa prinsipyo ng moral governance, isang sagradong obligasyon natin ang pagtulong sa mga nangangailangan, lalo na ang mga IDPs,” sinabi ni Sheik.
“Ginagawa ng Office of the Chief Minister ang makakaya nito upang suportahan ang aktibidad na ito sa pamamagitan ng isa sa mga flagship program nito, ang MRP,” dagdag niya.
Nagpasalamat naman si Hadji Acmad Pascan, 73 taong gulang at isang IDP, sa MRP para sa pagsasagawa ng medical mission sakanilang barangay, at binanggit ang kahalagahan nito sa pagtulong sa mga kagaya niyang senior citizen na nangangailangan ng gamot pang-maintenance.
“Nagpapasalamat kami sa MRP dahil nabigyan kami ng pagkakaton na magpakonsulta at makatanggap ng mga libreng gamot.”
[Panalamatan ami a MRP ka miya-check up kami ago miyakakuwa kami sa libre a bulong ami. Miyalala aya a tabang para r’kami a IDPs.”]
Nilikha ng Bangsamoro Government ang MRP upang masuportahan ang ginagawang rehabilitasyon ng national government para sa mga IDP sa Marawi City. Nagpapatupad ang nasabing programa ng iba’t ibang interbensyon gaya ng Construction Materials Assistance, pamimigay ng permenenteng tirahan, tulong pangkabuhayan, tulong pinansyal para sa mga ‘non-Kathanor beneficiaries, tuition fee subsidy para sa mga mag-aaral sa MAA, at pamamahagi ng mga kagamitan at suplay para sa mga pribadong paaralan, institusyong technical-vocational, at mga madaris institution na dating matatagpuan sa mga MAA. (Norjana Malawi, Bai Omairah Yusop/BIO)