COTABATO CITY—Itinampok ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Ebrahim ang maraming oportunidad para sa investment ang naghihintay sa autonomous region sa kanyang dinaluhan na business forum noong ika-29 ng Mayo, matapos ang bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at Brunei.
Isa si Chief Minister Ebrahim sa mga delegado mula sa Pilipinas, kabilang rin dito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na nagsagawa ng dalawang araw na bisita sa Brunei noong ika-28 at 29 ng Mayo.
Sa unang araw ng state visit ay lumagda si Pangulong Marcos at Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng mga kasunduan kaugnay sa turismo, maritime cooperation, training certification standards, and seguridad sa pagkain sa Brunei-Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) region sa idinaos na Philippines-Brunei bilateral meeting.
Sa isinagawang forum, tinalakay ni Ebrahim ang mga pagbabago sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na nakasentro sa nagpapatuloy na pag-asenso, kapayapaan, at inklusibong pag-unlad.
Binigyang-pansin niya ang masaganang likas na yaman ng rehiyon, mayamang pamana ng kultura, at potensyal sa eco-toourism, kabalikat ito ng mas malaking awtonomiya para sa isang naangkop na pag-unlad.
“Napapabuti ang apelang ito dulot ng aming malakas na economic performance, competitive investment costs, at commitment,” sinabi niya.
Binanggit rin niya kung paano napabubuti ng mga proyektong pang-imprustruktura ang konektibidad at mga utility sa rehiyon, at pagtutulak ng pagbabago ng pagkakaroon ng mga bihasa at magkakaibang manggagawa.
“Napakahalaga ng kolaborasyon ng mga pribadong sektor at gobyerno na siyang magtitiyak ng pagkakaroon ng isang lugar na ligtas para sa mga negosyo, at magbabago sa BARMM bilang isang magandang lugar para sa pangmatagalang investment,” diin niya.
Binigyang-diin niya na ang pagkakaroon ng public-private partnerships (PPPs) at pagsusulong ng PPP code, aniya “upang magamit ang kadalubhasaan ng pribadong sektor at investment para sa isang pabago-bago at matatag na ekonomiya ng rehiyon.”
Ipinahayag ng Chief Minister na ang matabang lupa sa rehiyon ay nagbibigay-daan upang manguna ang BARMM sa produksyon ng bigas at mais.
Binanggit niya rin ang malaking kontribusyon ng BARMM sa fisheries at aquaculture, pagpapaunlad ng imprustruktura, at iba pang mga renewable energy project.
Ang mga pagsisikap upang maitatag ang industriyang Halal at mapalakas ang turismo sa BARMM ay naibahagi rin sa forum.
Kaya naman, hinikayat ni Ebrahim ang mga namumuhunan na buksan ang kanilang pinto upang mamuhunana sa BARMM para sa isang sustainable na hinaharap para sa rehiyon at sa Pilipinas.
Ang pagpapalago ng ekonomiya ng BARMM sa pamamagitan ng paggamit ng potensyal nito sa ekonomiya ay nakahanay sa ikatlong priority agenda ng Chief Minister. (Johamin Inok, Bai Omairah Yusop/BIO)